NAPATAY sa inilunsad na focused military operation ang hinirang na Amir ng Daulah Islamiyah sa buong East Asia at pinuno ng Islamic States of Iraq and Syria sa (ISIS) SA Pilipinas kahapon ng madaling araw sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Roy Galido napatay sa joint law enforcement operation ang Amir ng Daulah Islamiyah-Philippines and Overall Amir of Islamic State-East Asia na si Faharudin Hadji Benito Satar/Faharudin Pumbaya Pangalian/Fahar Pumbaya Pangalian, a.k.a. Abu Zacharia.
“Based on the report from the ground, Faharudin Hadji Benito Satar/Faharudin Pumbaya Pangalian/Fahar Pumbaya Pangalian, a.k.a. Abu Zacharia, Amir of the Daulah Islamiyah-Philippines and Overall Amir of the Islamic State-East Asia was successfully neutralized after resisting arrest during a joint law enforcement operation conducted at his safe house in Barangay Bangon, Marawi City, Lanao del Sur at about 1:30 in the morning, Wednesday,” ani Lt. Gen. Galido.
Sa ulat madaling araw ng Miyerkules ay ginapang ng mga tauhan ng AFP- 103rd Infantry Brigade at mga tauhan ng PNP ang natunton bahay na pinagtataguan ni Abu Zacharia.
Bago pa maisilbi ng mga awtoridad ang bitbit nilang warrant ay sinalubong na agad sila ng sunod sunod na putok kaya nagkaroon ng maikling sagupaan .
Nagawa pang mahagisan ni Abu Zacharia ang 60mm mortar at dalawang hand grenades ang posisyon ng mga sundalo. Matapos ang may sampung minutong palitan ng putok ay tumambad ang bangkay ni Abu Zacharia katabi ng dalawang M16A1 rifles with ammunition, habang isang sundalo rin ang nasugatan sa engkuwentro at nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Bandang alas 6:00, isang follow-up operation ang ikinasa ng military sa Bangon, Marawi City, at ditto napatay ang isa pang key leader ng Daulah Islamiyah.
Kinilala ni Brig. Gen. Yegor Rey Barroquillo, Commander ng 103rd Infantry Brigade, ang napaslang na terorista na si Joharie Sandab, a.k.a. Morsid, DI-Philippines Sub-Leader at Amir for Finance and Logistics na piniling lumaban ng sabayan bago pa masilbihan ng warrant of arrest.
Pinapurihan naman ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan,ang tropa ng mga sundalo sa kanilang magandang accomplishment.
“This is a significant breakthrough in our campaign against the Daulah Islamiyah. We are certain that the death of Abu Zacharia will be the downfall of the IS-inspired group in our area of operation,” ani Lt Gen Galido.
“This achievement is attributable to the solidarity among various sectors. May we continue to walk the path leading to internal security with utmost sincerity and dedication. Let us unite ourselves and journey toward the realization of lasting peace and development, which are inclusive of the inspirations of all the peace-loving people of Mindanao,” dagdga pa ng WestMinCom Commander.














