By: JANTZEN ALVIN
ISANG American nationalna may kasong child trafficking and dinakip ng ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO).
Napag-alaman kay NBI Director Jaime Santiago na nasagip din ang apat na biktima sa isang operasyon na isinagawa kamakailan sa isang hotel sa Davao City.
Aniya, nasa kustodiya ng NBI-SEMRO ang suspek na si Charles Franklin Armstrong at ito ay sinampahan na ng.kasong.paglabag sa R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons act of 2003) in relation to R.A. 10176 (Child Abuse Law).
Ayon kay Santiago,ikinasa ng NBI ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong na ang suspek, na guest sa isang hotel sa Davao, ay nakikitang may mga kasamang menor de edad na kinukunan nito ng larawan habang nakasuot ng mga sexy na swimsuit sa swimming pool ng nasabing hotel.
Agad na nagsagawa ng surveillance operation ang NBI kung saan dalawang ahente ng NBI-SEMRO ang nagpanggap na hotel guests.
Dito na nakumpirma na menor de edad ang isang biktima habang ang isa pang biktima ay nagsabi na nakilala niya ang suspek sa pamamagitan ng isang dating application noong Marso,2024
Nang magkahulugan ng loob ang biktima at suspek ay nagpasiya ang suspek na pumunta sa Pilipinas para magbakasyon at makilala ang pamilya ng dalagita.
Sa kabila nito ay nililigawan rin pala ng suspek ang isa pang menor se edad na kasama sa mga nasagip rin ng NBI.
Bunsod nito, noong Hunyo 27,2024 ay iikinasa ng NBI-SEMRO ang entrapment at rescue operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek at apat na biktima na pawang dinala sa Department of Social Welfare Region 11.