Latest News

Ambassador ng Pilipinas sa Lebanon, nakipagpulong na sa Lebanese General Security chief para sa contingency plans sa OFWS

By: Jerry S. Tan

Nakipagpulong na si Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat kay Lebanonese General Directorate of General Security, Major General Elias Baisary.

Kaugnay ito ng contingency plans ng embahada at ang ongoing voluntary repatriation sa mga Pilipino doon sa harap ng lumalalang tensyon sa southern Lebanon.

Hiniling din ni Ambassador Balatbat kay Major General Baisary ang mabilis na pagproseso sa exit clearances ng mga uuwing OFWS.


Naging paborable naman ang sagot ng Lebanese official at tiniyak nito ang suporta at assistance sa Filipino nationals sa Lebanon.

Tags: Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat

You May Also Like

Most Read