AMA, PINATAY ANG MUSMOS NA ANAK NA ITINUTURONG NAGNAKAW SA KAPITBAHAY

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang isang anim na taong gulang na batang babae matapos na saksasakin siya ng kanyang sariling ama sa Brgy. Dayano, Mainit, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek na si Jomel Glyn Doring Bonifacio, 23, isang magsasaka na residente sa nasabing lugar.


Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Mainit Municipal Police Station na nagalit umano ang suspek sa kanyang anak nang itinuro siya ng biktima na siyang nagnakaw sa bracelet at pera sa kanilang kapitbahay.

Sa silakbo ng galit, pag-uwi sa bahay ay kinompronta ng suspek ang kaniyang anak na humantong sa pananaksak nito gamit ang isang patalim.

Nagtamo ng sugat ang bata sa kanyang tiyan na nagawa pang itakbo sa Mainit Medicare Community Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.


Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Mainit Municipal Police Station ang suspek matapos na madakip ito sa pagamutan na pinagdalhan sa biktima habang inihahanda ang kaukulang kasong ihahain sa korte laban sa kanya.


Tags: Mainit Municipal Police Station

You May Also Like

Most Read