Latest News

ALYANSA NG PILIPINAS SA TATLONG ALLIED COUNTRIES, PAIIGTINGIN

By: Victor Baldemor Ruiz

NAKIPAGPULONG si Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. nitong nakalipas na linggo kay United Kingdom Prime Minister’s Trade Envoy to the Philippines, Richard Graham CMG MP, sa ginanap na courtesy call nito sa Department of National Defense (DND).

Tinalakay ng dalawang opisyal ang hinggil sa shared security challenges, kabilang ang usapin hinggil sa South China Sea at ang mga potential avenues para maging magkatuwang ang dalawang bansa sa defense and investment.

Nagkasundo rin ang dalawang panig sa kanilang mga interest na pag aralan ang joint ventures sa mga British investors at iba pang mga cooperation para suportahan ang Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP).


Muling inihayag ni Graham ang kagustuhan ng UK na magkaroon ng ‘closer defense ties’ sa Pilipinas kaugnay din sa kasalukuyang global climate and geopolitical concerns.

Inulit din nito ang commitment ng UK na makikipagtulungan sa kanilang mga kaalyado at katuwang na bansa sa ilalim ng “Protect, Align and Engage” framework na sinasaad sa 2023 Integrated Review Refresh ang national security and international strategy document ng UK.

Una nang inihayag ng Armed Forces of the Philippines na pakay ng Pilipinas na magkaroon ng patuloy na suporta mula sa tatlong key allies nito, na kinabibilangan ng United States, United Kingdom at Australia, bunsod na rin ng mas agresibong aksyon ng China sa maritime dispute sa West Philippine Sea at sa unti-unting pagpihit ng Pilipinas tungo sa territorial o external defense.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. na sa mga susunod na buwan ay magsasagawa pa ng mas maraming joint patrols ang Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippines Sea (WPS), na pasok sa 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.


Aniya, nakipagkasundo si US Adm. John Aquilino, hepe ng US Indo-Pacific Command (Indopacom) para sa mas maraming joint naval maneuvers o Maritime Cooperative Activity (MCA), na layong palakasin pa ang interoperability ng Filipino at US forces sa pamamagitan ng maritime domain at security awareness operations.

Inanunsyo rin ni Brawner ang planong makipagpulong kasama ang senior US military officers na lumahok sa Capstone Pacific Program sa Camp Aguinaldo, Quezon City, ayon kay Col. Xerxes Trinidad, chief ng public affairs office ng AFP.

“We are going to do those activities more; we will increase the frequency and its range,” ani Brawner. Dagdag pa, sinabi umano ni Aquilino sa kanya na “he’s ready when we are ready,” aniya.

Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. sa Capstone delegates ang pangangailangan na manindigan sa United Nations Convention on the Law of the Sea at rules-based order lalo na security challenges sa rehiyon.


Tags: Jr., Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro

You May Also Like

Most Read