Allowance ng mga guro sa halalan, dadagdagan

TINITINGNAN ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdadagdag sa tatanggaping allowance ng mga guro na magsisilbi sa mga eleksyon makaraang tanggihan ng Malacanang ang tax exemption nito.

Ito ay makaraang magsabi ang mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers na demoralisado sila ngayon dahil sa naturang desisyon at hindi na lang magsisilbi tuwing halalan.


“Nakikiusap tayo sa ating mga guro, ang inyong Commission on Elections po ay gagawa ng lahat ng paraan, naintindihan po namin ang inyong nararamdaman, gagawin po namin ang lahat ng paraan, ito po’y amin nang obligasyon sa kasalukuyan, upang kahit paano naý maibsan yung inyong paghihirap sa araw po ng halalan,” pakiusap ni Comelec Chairman George Garcia.

Pag-uusapan pa lamang umano ng komisyon kung magkano ang idadagdag sa allowance ng mga guro. Hindi naman umano ito kasi nakadepende lamang sa kaniya at magiging desisyon ito ng buong “collegial body” ng komisyon.

“Therefore ako po’y pipilitin natin hanggang maaari, na kung ano dapat yung tinatanggap sa kasalukuyan, magkaroon man ng buwis, dapat ma-maintain pa rin,” saad ni Garcia.


Ibig sabihin umano nito, na kung magtataas sila ay iyon ang makakaltas sa buwis at ang ang mismong take home nila ay ang regular na take home.

Matatandaan naman na sa halip na tanggalin ang buwis, bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng ibang uri ng ayuda sa mga guro na magsisilbi kapag eleksyon. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read