ALL SOULS’ DAY, DEADLINE SA INVENTORY NG MGA RECOVERED CARNAP VEHICLES

By: Jesse Ruiz

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ngayon All Souls Day , Linggo ang huling araw na deadline sa lahat ng ng Regional directors at heads ng mga police units para makapag sumite ng imbentaryo ng mga recovered carnap vehicles nasa kanilang kustodiya.

Magugunitang inatasan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang lahat ng regional directors at hePE ng mga opisina at unit ng pulisya na magsumite ng updated inventory ng mga sasakyang narekober sa mga isinagawang operasyon.


Nabatid na ang kautusan na ito ng PNP ay kasunod ng mga ulat na ginagamit umanong pang-personal ng ilang mga pulis ang mga sasakyang narerekober sa mga isinagawa nilang operasyon.

Kaugnay nito ay tiniyak ng PNP na iimbestigahan nila ang mga iniulat na iregularidad at pananagutin ang mga pulis na responsable sa hindi awtorisadong paggamit ng mga sasakyang nasa kanilang kustodiya.

Ayon pa kay Nartatez , sakali mang mapatunayang sangkot ang mga pulis sa gawain na ito ay maaari silang maharap sa administratibo at kriminal na kaso.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read