Latest News

Alitan, nauwi sa saksakan; isa, patay, isa, sugatan

By: Baby Cuevas

Nauwi sa saksakan ang alitan ng dalawang lalaki na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila at pagkasugat naman ng isa pa sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kniilalang si Angelo Rodriguez, 24, residente ng 135 Yanga St., Maysilo, Malabon City.

Samantala, sugatan naman at naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang suspek na si Allen Reyes, 39, ng 2551 B, Maria Natividad St., Barangay 366, Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-4:50 ng hapon nang maganap ang krimen sa Antipolo St., kanto ng Leonor Rivera St., sa Sta Cruz.

Nauna rito, sa di pa batid na kadahilanan ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek.

Kaagad naman silang naawat ni Barangay Councilman Benitez.

Gayunman, matapos ang ilang minuto, bumalik umano ang biktima at kaagad na sinugod ang suspek at pinagsasaksak.

Kahit sugatan, nagawang gumanti ng suspek at pinagsasaksak ang biktima sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Kaagad na tumakbo ang biktima ngunit bago pa man tuluyang nakalayo ay humandusay na sa kalsada.

Isinugod ang dalawa sa pagamutan ngunit dead-on-arrival ang biktima.

Tags:

You May Also Like

Most Read