ALICE GUO, TATAKBO ULIT NA MAYOR

By: Victor Baldemor Ruiz

TATAKBO umano ulit si Alice Guo bilang alkalde sa Bamban,Tarlac.

Kinumpirma ito ng kanyang abogado na si Stephen David sa isang interview ng mga mamamahayag sa Department of Justice (DOJ), matapos dumalo sa preliminary investigation ng kasong money laundering ni Guo.


Ayon kay David, ito ay sa kabila ng may ruling ang Ombudsman na nag-dismiss Kay Guo sa kasong grave misconduct na may kasamang perpetual disqualification sa paghawak ng pampublikong posisyon.

Ani David, hindi pa naman pinal ang ruling at maari pa itong i-apela.

“Syempre, para ipakita ang pagmamahal nIya sa taong bayan, sa bayan most especially sa Bamban. Unang- una, kung talagang gusto siya ng tao, sila dapat ang humusga. Ang taong bayan dapat ang humatol kung siya ba ay karapat-dapat manungkulan sa kanilang lugar. Kasi ‘yung nangyayari, technicalities… hindi siya pinapatakbo, pinapa-disqualify siya pero hindi naman final pa ‘yun eh marami pang proseso ‘yun,” ani David .


“But definitely, she will be running for mayor,” dagdag ni David.

Napag-alaman na hindi nakadalo si Guo sa preliminary investigation dahil sa kawalan ng court clearance .


Sinabi pa ni David na ang pagtatangka ng Solicitor General na kanselahin ang birth certificate ni Guo ay dadaan sa mahabang proseso.

“Mahabang proseso yun eh. Maka-cancel ba yun? She is a Filipino. She is a Filipina. So, wala namang decisions in courts as of now na hindi siya Pilipino,” giit pa ni David sa interview.


Tags: Alice Guo

You May Also Like

Most Read