Alice Guo, pwedeng maging ‘state witness’ – DOJ

By: JANTZEN ALVIN

Nagpahayag ng paniniwala ang isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) na maaring ikonsidera bilang state witness ang pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa imbestigasyon sa iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan, na nagbibigay- daan para matukoy ang“mastermind” .


Sinabi ni DOJ Assistant Secretary and spokesperson Mico Clavano na ito ay kung may makitang malaking tao sa imbestigasyon at hindi magiging ‘most guilty’ si Guo .

“Right now, dahil sa ating mga alam, dahil sa mga lumalabas sa investigation, she still stands as the most guilty, thereby disqualifying her to become a state witness,” ayon Kay Clavano .

“But if matumbok natin at may makilala pa tayong mas malaking tao na nagpapaikot sa mga illegal activities ng POGO, then she may become a state witness because she will no longer be the most guilty, meron pang mas mastermind,” dagdag pa ni Clavano.


Una nang narinig si Guo sa video na ipinost ni Interior Secretary Benhur Abalos sa kanyang Facebook account sa kanilang pulong ni Guo sa Jakarta na nagsabing “Sec, patulong. May death threat po kasi ako.”

Sa forum, sinabihan ni Abalos si Guo na sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman.


Depende rin umano ito sa kagustuhan ni Guo na makipag- kooperasyon sa mga awtoridad para siya maging state witness.

Kaugnay nito ay iimbestigahan ng DOJ ang umano’y pagbabanta sa buhay ni Guo.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like