ALICE GUO, DI MAPAPARUSAHAN SA ‘ACT OF ESPIONAGE’

By: Victor Baldemor Ruiz

KAHIT mapatunayang isang espiya o sangkot sa paniniktik laban sa Pilipinas si dismissed Bamban Mayor Alice Guo ay hindi ito mapaparusahan sa kasong espionage .

Ito ay dahil walang angkop na batas na umiiral sa pangkasalukuyan laban sa mga espiya, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro sa isang chance interview kahapon.


Ayon kay Sec. Teodoro kailangan amyendahan kaagad ng Kongreso ang batas hinggil sa paniniktik laban sa Pilipinas .

Ito ay dahi; ang ‘espionage law’ ay epektibo lamang sa panahon na may digmaan.

“Kung ang tao na ito tao ay spy o hindi, hindi yun ang mahalaga, ang mahalaga ngayon parusahan natin ang espionage sa panahon ng peace (peace time) , kasi ang espionage law sa pilipinas ay epektibo lamang during times of war so call to action din, alam na naman ng ating mambabatas na agaran nilang amyendahan yung espionage law para maparusahan at makakilos ang gobyerno ng tama para sugpuin ito,” anang kalihim.


Muling nabuhay sa ginagawang house Quad committee hearing ang isyu na isang espiya si Alice Guo nang ipalabas ang Al Jazeera documentary na nagdadawit sa pangalan ni Guo

Sa nasabing dokumentaryo, inilahad ng isang negosyante na nakakulong sa Thailand na siya ay isang spy ng China’s Ministry of State Security.


Ayon kay She Zhijiang, siya at si Guo Hua Ping, ang alleged Chinese name ni Alice Guo, ay inilaan umano ang kanilang buhay sa China’s Ministry of State Security. Hinikayat nito ang Bamban, Tarlac mayor na sabihin sa buong mundo ang katotohanan kung ayaw niyang ma eliminate.

Kaugnay nito, tiniyak ni Teodoro na iniimbestigahan nang mabuti ng mga awtoridad kung ano ang mga koneksyon ni Guo, kung sino man ang maaring naging koneksyon nito at gaano kalawak ang kanyang aktibidad.


“What is clear is that she is not a Filipino. Secondly, she falsified documents to pretend that she is a Filipino and thirdly she was an active co-conspirator to a massive illegal criminal enterprise kung saan nagmula ang lahat ng illegal na activities,” aniya,

Ang nakaka-intriga umano ay ang 32-building complex na nago-operate malapit lamang sa AFP Training and Doctrine Command at Light Armor Division .

“And you know all the authorities should have been aware of this at that time, particularly the local authorities.



Whether or not she is a spy, that is something yet to be determined with finality by the proper authorities,” ani Teodoro.

Tags: Alice Guo

You May Also Like