ALEXA KINILIG SA GANDA NI MARIAN

By: Beth Gelena

Nagpaka-fangirling si Alexa Ilacad kay Marian Rivera sa pagkapanalo nito sa isang event na kanilang dinaluhan.

Sa Instagram ng Kapamilya actress, isang short video clip ang kanyang in-upload kung saan nakatayo si Marian mula sa kanyang kinauupuan.


Ang video ay kuha sa event na pareho silang naroroon.

Nang tawagin ang name ng GMA Primetime Queen dahil nanalo siya ng award, hindi maitago ni Alex ang kanyang paghanga sa aktres. Nang tumayo si Marian, na-amaze si Alexa sa taglay nitong ganda.

Agad na kinuhanan siya ni Alexa ng close up video at ipinost sa kanyang IG.


Nilagyan niya ng caption ang video ng: “Congratulations, Ate Yan! Ikaw yung nanalo ng award pero ako yung sobrang kinikilig makita ka @marianrivera.”

O, di ba, kahit artista na rin sila hindi rin nila maiwasang maging fan ng kanilang kapwa artista.


Tags: Alexa Ilacad, Marian Rivera

You May Also Like

Most Read

Latest News