Latest News

ALEX GUSTONG ANGKININ ANG ANAK NI TONI

By: Beth Gelena

HALATANG sabik na talagang magka-baby si Alex Gonzaga.
Imagine, ang anak ng sister niyang si Toni Gonzaga na si Polly ay gusto na niyang angkinin na  para lang pusa na hinihingi kay Alex.
Sa Instagram stories ni Alex ay may adorable siyang larawan ng baby girl nina Toni at direk Paul Soriano.
Aniya sa caption: “Akin na lang si Polly. ”
Sambit pa niya: “My cute cute baby.”
Kung hindi nagkaroon ng miscarriage si Alex ng dalawang beses,  malamang ay dalawa na sana ang anak nila ni Mikee Morada.
Ang first miscarriage ni Alex ay noong  2021 at  last October 2023 naman, muling nakunan ang komedyanteng aktres/vlogger.
Tags:

You May Also Like

Most Read