Alessandra de Rossi balak nang mag-retire sa showbiz

By: Gerry Ocampo

IPINOST ni Alesandra de Rossi ang listahan ng mga sinehan na paglalabasan ng kanilang pelikulang “Firefly” at ang naging comment niya: “Aba! The more, the merrier, thank you Lord! Baka naman may mas malapit sa inyo? Huhu.”

Masaya si Alex dahil madadagdagan ang mga sinehan na ibinigay sa kanila.


From 32 naging 33 na, at ang latest ay sa 38 cinemas na mapapanood ang entry movie ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2023 MMFF na “Firefly” pero 11 cinemas pa rin sa SM Malls.

Sana nga madagdagan ng cinemas sa SM Malls dahil lahat ng lugar sa bansa ay may SM Malls.

MoAs of now ay may mga request pa sa provinces na sana ipalabas din doon ang nasabing pelikula na sabi ni Alex ay pambata kaya bagay sa Pasko dahil ang Pasko ay para sa mga bata.


Sa tanong kay Alex kung bakit niya tinanggap ang “Firefly”, aniya: “Maganda ang kuwento, kuwentong nanay. Bihira lang ang ganitong genre, konti na lang ang gumagawa at pag maganda ang project, gusto mong sumali. Ako ang may pinakamagandang role.”

Marami ang naaliw sa pasasalamat ni Alex sa kanyang daddy sa Christmas gift nitong necklace.


Sabi niya: “Thank you, Daddy, ang tagal bago ko nagamit. Lagi kasing naka-duster! Ayan! Nag-glam na ako after a decade. Glam?!!”

Makikita pa sa isang post na pinapanood ng dad niya si Alex sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan suot niya ang necklace na regalo sa kanya ng ama.


Panira lang ang mom ni Alex sa comment na sa regalo lang na kuwintas at hikaw hanga ang kanyang dad. Akala pa naman ng mom ni Alex, sa ganda ng anak humanga ang ama nito.

Well, ganyan magbiruan ang mag-ina na mistulang magkabarkada lang.

Next year ay turning 40 years old na si Alex at feeling old na raw siya kaya naiisip niyang mag-retire na sa showbiz.



Pero as of now, may mga role pa siyang gusto gampanan na hindi pa niya nabibigyan ng katuparan.

Sa dami ng kaniyang nagawang movie na latest nga ay ang “Firefly” na mapanood sa mga sinehan starting Dec.25, may dream role pa rin siya na kung mapagbibigyan ng producers.

Ma-imagine mo na si Alex gaganap sa role bilang sirena o kaya ay yung may nudity?

Ambisyon din pala ni Alex na magpakita ng skin tulad ng ginawa ng kanyang Ate Assunta de Rossi sa big screen.

Ang siste, hindi kaya siya laitin ng mga basher si Akex dahil kadalasang role na ginagampanan niya ay mother role tulad sa “Firefly” kahit na sa totoong buhay dalagang-dalaga pa siya.

Tags: Alesandra de Rossi

You May Also Like