Latest News

Alert level system hindi tatanggalin — Malacanang

MANANATILI ang alert level system para sa maipatupad ang safe and health restrictions bilang paghahanda sa sa posibleng pagtaas ng kaso ng impeksyon na maaaring dala ng bagong variant of concern ng COVID-19 virus.

Ito ang pahayag ni Malacanang spokesperson Karlo Nograles noong Miyerkules kasabay ng pagsasabing importante pa rin na paigting ang vaccination drive sa iba pang parte ng rehiyon sa bansa.

“Hindi natin tatanggalin ang alert level system, just in case a new variant of concern or interest would come maibabalik natin agad sa Alert Level 2,” pahayag ni Nograles sa ANC show na “Headstart.”

“Hindi pa panahon para tanggalin ang alert level system. Sa NCR (National Capital Region) yes okay lang, mataas ang ating vaccination, but we still have to ramp up vaccination sa ibang regions, although we’re seeing very very good numbers now in the regions,” paliwanag pa ni Nograles.

Tags:

You May Also Like

Most Read