IDINEKLARA kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mananatiling nakataas ang Taal Volcano sa ilalim ng Alert Level 3 bunsod ng naitalang mga phreatomagmatic eruptions.
“Sa kasalukuyan, ang ating rekomendasyon ay mananatili ang Alert Level 3,” pahayag nitong Linggo ni Phivolcs Director Renato Solidum kasunod ng naganap na dalawang pagsabog kahapon ng umaga
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano matapos na makapagtala pa uli ng phreatomagmatic eruptions, ayon sa PHIVOLCS. Kasunod dalawang minor phreatomagmatic eruptions ang naitala sa Taal Volcano sa Batangas bago sumikat ang nitong Linggo.
Sinabi ni PHIVOLCS director at Science Undersecretary Renato Solidum na ang maliliit na pagsabog na ito ay nagbuga ng nasa 400 hanggang 800 meters na taas ng plume kahapon bandang alas-4:34 hanggang alas-5:04 ng umaga.
Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, sa ngayon ay mayroon pa ring magmatic activity sa Taal Volcano. “Ibig sabihin may magmatic activity, ang magma ay nagi-intrude o umaakyat papunta sa crater nang dahan-dahan, at ang pagdampi at interaksyon ng mainit na magma at tubig ay sanhi ng mga pagsabog.”
Sa kanilang latest bulletin, nakasaad na mayroong naitalang dalawang phreatomagmatic events kagabi at dalawa pa ulit bago sumikat ang araw kanina.
“Kasi nga nakaumang ‘yong magma sa ilalim. Kung umakyat ito, ‘yan ang magti-trigger ng mas malakas na pagsabog,”ayon pa sa eksperto
Nagkaroon din ng 14 na volcanic earthquake, kabilang na ang 10 tremors, na tumagal ng hanggang 3 minuto.
Kaya naman patuloy pa rin aniyang binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Taal Volcano sa loob ng dalawang linggo bago magdeklara ng bagong alert level.
Kaugnay nito patuloy ang paglilikas sa mga itinuturing na “high rsk barangays” Kahapon umabot na sa 854 families o 2,894 indibidwal ang inalis sa bayan ng Agoncillo at Laurel, Batangas.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, patuloy ang nagaganap na evacuation sa mga lugar na sakop ng Brgy Gulod, Boso-boso at easter portion ng Bugaan East LGU Laurel..
Ang Taal Volcano Island ay idineklara nang permanent danger zoneat ang mga nabangit na barangay ang peligroso sakaling pumutok ang bulkan.
Sa pag aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naniniwala silang hindi sasabog ang Taal Volcano ng kasing lakas ng nangyari noong 2020.
Ayon kay Solidum, konti lamang kasi ang sulfur dioxide gas ngayon mula sa magma na ibinubuga ng bulkan.
Dahan-dahan din umanong umaakyat ang magma kaya hindi masyadong mapanganib bagama’t may mga nagaganap na explosions.
Sa kabila nito, tiniyak ni Solidum na kanila pa ring binabantayan kung ang magma ay magmumula sa ilalim at kung gaano ito kabilis umakyat.
Kapag naging mas mabilis aniya kasi ang pag-akyat ng magma ay maaaring magdulot ito ng mas malakas na pagsabog.
Pinapayuhan naman ng PHIVOLCS ang mga residente ng mga Barangay Bilibinwang, Banyaga, Agoncillo, Boso-boso, Gulod at Bugaan East sa Laurel, Batangas na lisanin na ang kanilang mga tahanan dahil ang Taal Volcano Island ay idineklara nang permanent danger zone. (VICTOR BALDEMOR)