Latest News

ALERT LEVEL 1 SA BUONG BANSA, ‘DI PA NAPAPANAHON

HINDI pa napapanahon na ilagay ang buong bansa sa Alert Level 1 dahil sa may mga lugar na hindi pa pasok sa metrics na kinakailangan,

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, ang panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na ilagay na ang buong bansa sa Alert Level 1 para lalo pang mapalakas ang ekonomiya at malabanan ang nangyayaring krisis sa mundo ay maaga pa.

“Hindi pa ngayon. Masyado pang…ayaw nating mawaldas natin ‘yung ating mga napagtagumpayan na. Kailangan mag-iingat tayo,” saad ni Duque.


May plano naman umano ang pamahalaan na mailagay sa Alert Level 1 ang buong bansa ngunit kailangang makatugon muna ng lahat sa pamantayan para maisagawa ito.

Kabilang sa mga criteria para sa Alert Level 1 ang: ‘low to minimal risk case classification’, kabuuan bed utilization na mas mababa sa 50%, 70% na ‘fully vaccinated’ sa target na populasyon, at 80% ‘fully vaccinated sa target na senior citizen.

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 pang ibang lugar sa bansa hanggang Marso 15. (Anthony Quindoy)

25% pa lang ng taga- BARMM ang fully-vaccinated vs COVID-19
Iniulat ng Department of Health (DOH) na 25% pa lamang ng mga residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.


Sa isang pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na sa ngayon, ang coverage ng first dose vaccination sa BARMM ay nasa 32% pa lamang.

Samantala, ang mga fully-vaccinated naman aniya ay nasa 25% pa lamang.

Ayon kay Cabotaje, gumagawa na sila ng mga pamamaraan upang mahikayat ang mga residente doon na magpabakuna na.

Pinag-aaralan na rin aniya nila ngayon ang posibilidad na magtanong hinggil sa karanasan ng iba pang Muslim countries sa pagbabakuna gaya ng Malaysia, Indonesia at Saudi Arabia.


Una naman nang tiniyak kamakailan ng mga health authorities sa Muslim community na ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay certified “halal.” (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read