Latest News

Alert level 1, kaya na sa Marso — Duque

NAGPAHAYAG ng paniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na kaya na ng bansa na sumailalim sa Alert Level 1 pagsapit ng Marso 1,2022.

“My personal assessment, yes, kaya na (we can). Again, this is subject to IATF deliberations and ultimately, it is not my decision, it is the decision collectively of the IATF,” ayon kay Duque.

Ayonnkay Duque nakatakdang magpulong ang IATF sa Huwebes para pagusapan ang magiging Alert level sa Metro Manika.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng alert level 2 hanggang sa Pebrero 28.

Sinabi ni Duque na pag-aaralan pa ang risk classification , healthcare utilization rate, positivity rate, at vaccination rate ng senior citizens sa Metro Manila bago magoasiya kung dapat nang ilagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Una nang sinabi ng OCTA Research Group na bumaba na sa 4.9% ang positivity rate sa Metro Manila na pasok na sa benchmark ng World Health Organization(WHO).

Gayundin,16 sa 17 rehiyon ay nasa low risk na sa COVID-19.

Nabatid na nagpulong rin ang Metro Manila Mayors at napagkasunduan na ibaba na sa Alert Level1 ang National Capital Region(NCR). (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read