DALAWANG linggo pa.
Ito ang hirit sa gobyerno ng Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) bago ilagay sa pinakamaluwag na Alert level system ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay PHAPI president Jose de Grano, maari unanong balewalain na ng mga tao ang minimum health standards kapag inilagay na ang NCR sa Alert Level 1.
“Sa amin, ang rekomendasyon namin kung maaari ay maghintay tayo ng another two weeks. Pero kung iyon ang decision ng ating mga IATF, susunod naman po kami,” ani de Grano.
Nangangamba umano ang mga ospital sa posibleng surge muli sa mga kaso ng COVID19 partikulat na ngayon na kasagsagan ng election campaign.
“Worried kami na baka after this, luwagan natin masyado, iyong mga tao ay hindi na sumunod sa mga minimum protocols. Baka bigla ulit magkaroon ng surge,” dagdag ni de Grano.
Una nang inirekomenda ng mga alkalde sa NCR na ilagay na ang rehiyon sa Alert Level 1 mula sa Alert level 2. (Carl Angelo)