Latest News

ALERT LEVEL 1, HUDYAT NG NEW NORMAL

NAGHAHANDA na ang gobyerno ng Pilipinas para sa Alert Level 1 na nangangahulugan ng transisyon ng COVID 19 pandemic sa estado ng endemic.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan ang Alert Level 1, ang magihing hudyat sa new normal.

“Naghahanda tayo para dito sa sinasabi nating new normal. Atin pong tandaan, ang sabi natin, ang Alert Level 1, ito po ‘yung new normal natin dito sa ating bansa,” ani Vergeire.


Sinabi ni Vergeire na sa ilalim ng new normal, ipatutupad na lamang ang restrictions sa lugar kung saan may mataas na kaso ng COVID 19.

Habang ang capacity limit ng establisimiuento maging outdoor o indoor at tranaportasyon ay aalisin.

“But what would be retained would be our self-regulation,” ayon kay Vergeire.

“We still follow the minimum public health standard, we still do masking, we still do hugas, iwas sa matataong lugar, physical distancing, and most importantly, of course, ventilation, air flow,”dagdag ni Vergeire.


Ang pagtanggal ng facemask umano ang huling tatanggalin ng gobyerno.

Nabatid na ang Alert Level 2 ay magtatagal hanggang sa Pebrero 15. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read