Makakasama ni Alden Richards sa month-long episodeBng “Magkapailanman” si Sanya Lopez bilang kanyang asawa na ididirek ni Neal del Rosario.
Inamin ni Alden na ni-request niya sa Kapuso Network na makatrabaho si Sanya, na hindi pa niya nagiging kapareha.
Si Alden din ang pumili ng apat na kuwento sa apat na Sabado ng “Magpakailanman” kaya makakaasa ang viewers na magagandang episodes ang kanilang mapapanood.
“Sa stories po, nabigyan po ako ng opportunity to choose total of 10 scripts or 10 concepts na mga nasa bangko po ng creative natin. Talagang pinili ko ang mahihirap at offbeat roles. Since this is the first, gusto natin na maganda yung maging impact nito sa makakapanood, “ say ni Alden sa interview.
Bukod sa napiling concepts, hiningi rin ng production team ang ang suggestions ni Alden kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa bawat episode at dito na nga pumasok ang request niyang makatrabaho si Sanya.
“This is the opportunity to really see kung sino pa po yung okay na katrabaho. ‘Yung roles ko po kasi lately dito is may asawa, so iba-iba po siya. Iba-ba po sila,” kuwento ni Alden.
This August ay pupunta si Alden sa Oman at Dubai para sa Pinoy to the World show kung saan kasama niya sina Ai Ai delas Alas, ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Christian Bautista at Lani Misalucha.
Samantala, hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng AlDub fanatics ang katotohanan na ikinasal na si Maine Mendoza kay Congressman Arjo Atayde.
Hindi pa rin sila makapag-move-on at pilit na iginigiit na hindi si Maine ang ikinasal kay Arjo kundi isang clone ng TV host/actress.
Sobrang obessed ang mga AlDub fanatics sa tambalang Maine at Alden na nagsimula sa Kalye Serye sa Eat Bulaga. Umaasa pa rin sila at buo na sa kanilang isipan na ang kanilang idolo ang dapat magkasama sa iisang bubong.
At ang grabe, naniniwala pa rin sila hanggang ngayon na magpapakasal sina Maine at Alden.
Naniniwala rin ang AlDub fanatics na may anak na ang dalawa at itinatago lang nila sa publiko.
Gayunman, makailang beses nang itinanggi nina Maine at Alden na may anak na sila at “fake news” lang ito.
Tinuldukan na rin nina Maine at Alden ang mga naglalabasan fake news at sinabi na hindi na sila magsasalita para hindi na humaba pa ang isyung pilit na iginigiit ng AlDub fans.
Nagpasalamat na lang sila sa pagmamahal ng kanilang fans at tanggapin na ang katotohanan na hanggang loveteam lang ang kanilang samahan ni Alden.
Hintayin na lang nila ang movie na pagsasamahan ng dalawa at baka sa movie ay magkatotoo ang gusto nilang mangyari sa kanilang iniidolo.














