ALAGA NG SHABU, NASABAT NG PDEA

By: JESSE RUIZ

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Coast Guard (PCG) ang itinatayang 12 kilo ng hinihinalang crystal meth o shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon, sa Batangas Port sa Barangay Sta. Clara, Batangas City nitong Miyerkules, Oktubre 7, 2026.


Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, apat na lalaki na may na edad 18, 29, 30, at 41 ang naaresto sa isinagawang joint operation. Kabilang sa mga suspek ang mga residente ng Malate, Manila at Maluso, Basilan.

Sa ibinahaging report mula sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, isang anti- illegal drug interdiction ang ginagawa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR), na pinamumunuan ni Director Derrick Carreon, particular ang kanilang Northern District Office, sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office 4A Batangas Provincial Office, Phil. Coast Guard at iba pang law enforcement and port security agencies.

Nakuha rin ng mga awtoridad sa apat na inaresto ang isang sasakyan, cellphone, mga identification card at ATM card sa ginanap na interdiction operation sa Batangas Port.


Naitinurn-over na sa PDEA ang apat na naaresto at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng mga kaso.

Nahaharap ang apat na suspek na kinilalang sina alias “Ansar,” 18, male, residente ng Maynila; “Alden,” 41, male, resident rin ng Manila; “Dans,” 30, male ng Maluso, Basilan; at “Samer,” 29, male, tubong Maluso, Basilan ss kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




Ang anti-narcotics operation ay isinagawa bandang 6:30 a.m. sa Ramp 2, Batangas Port, Barangay Sta. Clara, Batangas City, base sa aplanong inilatg ng PDEA RO-NCR Northern District Office, PDEA RO 4A Batangas Provincial Office, PDEA 4A Seaport Interdiction Unit, Coast Guard K9 Force Operations Unit–Southern Tagalog, Coast Guard Intelligence Southern Tagalog, Coast Guard Special Operations Group–Southern Tagalog, Coast Guard Station Batangas, Philippine Ports Authority PMO Batangas Port Police Division, PNP Maritime Group Batangas, PNP Batangas City Component Police Station at Asia Terminal Inc.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read