Latest News

Akyat-bahay, timbog

By: Carl Angelo

Arestado ang isang lalaking ‘akyat-bahay’ matapos na makita sa CCTV na pumasok at lumabas sa bahay ng kanyang biniktima, kamakalawa ng madaling araw sa No. 2500-C Granate corner Estrada Streets, Brgy 766, San Andres Bukid, Maynila.

Nakadetine sa Manila Police District -Station 6 ang suspek na si Mark Kenneth Supnet, alyas Mac-Mac, residente ng 1661 Estrada St., Brgy. 767, Sta. Ana, Maynila.

Nabawi naman sa suspek ang isang set ng alahas bagama’t di na nabawi ang mahigit P5,000 na nakuha ng suspek.

Sa reklamo ng biktimang si Vernalyn Manimba, 49, volunteer medic instructor, naganap ang insidente alas- 2 ng madaling araw habang mahimbing siyang natutulog at pasukin ng suspek ang kanyang bahay.

Kinuha ng suspek ang kanyang alahas at wallet na may lamang P5,100 cash.

Nakita naman ng anak ng biktima na si Aaron Joshua Romano ang pagdaan ng suspek kaya kaagad silang nagreklamo sa barangay.

Nang tingnan ang CCTV ay nakilala ang suspek, dahilan para magsagawa ng follow-up operation kaya ito naaresto.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 308 RPC (theft)ang suspek sa Manila Prosecutors Office.

Tags:

You May Also Like

Most Read