USAP-USAPANG may lover’s quarrel o LQ ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
May nakapansin kasing hindi suot ng aktres ang engagement ring nila ni Dom.
Kahit daw sa ilang photos na pinopost ni Bea sa online ay Kapansin-pansin na hindi rin daw nito suot ang engagement ring.
Last July 2023 ay officially engaged na ang celebrity couple.
Nag-propose ang aktor sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan.
Say pa nga ni Bea: “Everything went in slow motion.”
Kamakailan lang, napansin ng netizens na parang may something sa pagitan nila.
Ang sabi ng ilan ay parehong absent sa social media posts ang dalawa.
Hindi rin daw sila nagla-like sa post ng bawat isa o wala man lang komento.
At sa bago nga raw new snaps ni Bea, naispatang wala siyang suot na engagement ring.
Ani ng isang netizen: “Is it just a petty couple’s fight or LQ or the ring is somewhere for some adjustments?”
Well, wala naman nakakaalam kung bakit hindi nga suot ngayon ni Bea ang kanilang engagement ni Dominic.
Tanging ang aktres lang ang makakapagbigay liwanag sa nangyayari.
Wait na lang natin kung ano man ang dahilan.
Pero mas nakakaintriga ang latest na sagot ni Bea sa tanong kung kailan nga ba ang kasal, dahil aniya wala pa raw preparations na nangyayari at wala pa daw talaga.