Latest News

AKTIBONG SUNDALO, SANGKOT SA DRUG OPERATION, PATAY

ISANG aktibong miyembro ng Philippine Army na sinasabing kasapi ng organized drug group na kumikilos sa Bicol Region ang napatay sa inilunsad na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kinilala ng PNP Regional Police Office 5 ang napaslang na sundalo na si Corporal Aaron Magbuhat, 33, miyembro ng Rigo-Magbuhat Group at sinasabing isang high value target at kabilang sa Regional Watchlist sa Bicol.

Ayon kay PMaj. Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, isang joint buybust operation ang inilatag ng PDEA at PNP laban sa suspek subalit nauwi ito sa sa palitan ng putok ng magkabilang panig matapos na manlaban ang naturang suspek nang mapunang mga awtoridad ang kanyang kaharap.

Dahil sa tinamong tama ng bala ng baril, binawian ng buhay si Magbuhat, habang wala namang naitalang sugatan sa panig ng operating units.

Narekober kay Magbuhat ang service firearrm na kalibre .45, pampasabog at dalawang gramo ng shabu. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read