Latest News

Aktibong mpox cases sa Pinas, lima na; 2 bagong kaso, naitala ng DOH

By: Philip Reyes

Umakyat na sa lima ang bilang ng mga aktibong kaso ng mpox (dating monkeypox) na naitatala sa bansa.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na nakapagtala pa ang ahensiya ng dalawang bagong kaso ng mpox sa National Capital Region (NCR) at sa Calabarzon, na parehong mas mild na MPXV Clade II.

“DOH surveillance systems report two more confirmed mpox cases – one in Metro Manila, and another in the CaLaBaRzon region. Both have the milder MPXV clade II. Initial investigation is consistent with earlier findings of local transmission of clade II. Details are being verified as to how close and intimate, skin-to-skin contact may have taken place,” ayon sa DOH.


“The total case count is now 14 since July 2022. Nine cases have long recovered since 2023. Five are active cases waiting for symptoms to resolve,” dagdag pa nito.

Sinsabi ng DOH na ang mpox case 13 ay isang 26-anyos na babae mula sa NCR na nakitaan ng sintomas ng sakit simula noong Agosto 20, 2024, gaya ng rashes sa mukha at likod, na may kasamang lagnat.

Matapos na magpakonsulta ay agad na nag-isolate sa bahay ang pasyente at kalaunan ay nakitaan pa ng mga karagdagang rashes sa kanyang pubic area, braso at katawan. Nagkaroon rin umano siya ng sore throat at namaga ang neck lymph nodes.

“Exact circumstances of sample collection and the mechanism of close, intimate, and skin-to-skin contact are still being determined. She did not travel anytime three weeks before her symptoms started; she also did not go around even as she had symptoms,” ayon sa DOH.


Diumano ay naabisuhan na hinggil sa lagay ng pasyente ang dalawa niyang close contacts, na hindi pa naman nakikitaan ng mga sintomas ng sakit.

Samantala, ang mpox case 14 naman ay isang 12-anyos na lalaki mula sa Calabarzon na unang nilagnat noong Agosto 10.

Kalaunan ay nagkaroon rin umano ito ng mga rashes sa mukha, hita, katawan at pubic area, na kumalat sa iba pang bahagi ng katawan, na sinamahan ng ubo at pamamaga ng mga lymph nodes sa groin area.

Ito ay nagpakonsulta na sa isang rural health unit at kinuhanan ng skin sample noong Agosto 23. Wala umanong anumang travel history ang pasyente, tatlong linggo bago nagsimula ang pagkakaroon nito ng mga sintomas ng sakit.


Ang dalawang bagong pasyente ay kapwa nagpapagaling na sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon sa DOH, naimpormahan na nila ang mga kinauukulang local government units (LGUs) hinggil sa mga natuklasang kaso ng mpox sa kanilang lugar.

Ang mga LGUs ang may kapangyarihan at awtoridad, sa ilalim ng batas, upang ipabatid sa publiko ang detalyadong impormasyon, kabilang na ang kanilang response action, hinggil dito.

“Heightened surveillance leads to a flashlight effect – our people become more aware and we detect more cases. All are the milder MPXV clade II,” ayon naman kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

“The situation strengthens our health system – we can find, test, and treat mpox. We will be ready should clade I get here, ” dagdag ng Kalihim.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read