Aktibong kaso ng COVId-19, sumadaad sa pinakamababang bilang

SUMADSAD na sa 2,908 ang aktibong kaso ng COVID-19 na pinakamababang bilang magmula nang magka pandemya na may karagdagang 210 bagong kaso hanggang nitong Mayo 14.

Ayon sa lingguhang COVID19 bulletin,inilabas nitong Lunes ng Department of Health(DOH) dahil sa 210 bagong kaso nasa 3,688,132, ang kabuuang bilang nang dinapuan ng impeksiyon.


Habang umabot na sa 60,455, ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Nalaman na may pinakamataas na kaso na naitalq ang DOH sa dalawang nakalipas na.linggo sa National Capital Region (NCR) na may 894 infections, Calabarzon na may 283, at Central Luzon na may 247.

May kabuuang 21,202 ang na test hanggang nitong Mayo 14 ng may 313 laboratoryo.


Samantala, nasa 16.7% o 5,192 ang bed occupancy rate sa may 31,019 available.

Nanatili rin sa ilalim ng Alert.Level 1 ang NCR at maraming lugar sa bansa mula Mayo 16 hanggang Mayo 31. (Jantzen Tan)


Tags: Department of Health(DOH)

You May Also Like

Most Read