Latest News

Aktibista, inabsuwelto ng Manila RTC

By: Baby Cuevas

Inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47 ang aktibistang si Reina Mae Nasino sa lahat ng kanyang kaso may kaugnayan sa’ illegal possession of firearms and explosives.’

Ayon sa resolusyon ng korte na may petsang Hulyo 17,kasamang naabsuwelto ni Nasino,ang aktibistang namatayan ng tatlong- buwang anak habang nakadetine na sina Alma Moran at Ram Carlo Bautista, dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ayon kay Presiding Judge John Benedict Medina ,ibinasura ang.mga kaso matapos mabigo ang prosekusyon na mapatunayang guilty ang mga akusado.


“The Court hereby grants the Joint Motion for Reconsideration filed by accused Ram Carlo Bautista y Paculba, Alma Moran y Estrada and Reina Mae Nasino y Asis. … [T]he demurrer to evidence is hereby granted for insufficiency of evidence,”nakasaad sa desisyon.

Nabatid na sina Nasino, Bautista at Estrada ay inaresto noong Nobyembre 5,2019.


May tatlong taon na nakulong sina Nasino bago pinayagan na makapa- piyansa noong Disyembre 2022.


Tags: Manila Regional Trial Court, Reina Mae Nasino

You May Also Like

Most Read