Aklan, nakapagtala ng 26.9% COVID-19 positivity rate — OCTA

Iniulat ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Lunes na nakapagtala ang lalawigan ng Aklan ng 26.9% positivity rate sa COVID-19 noong Sabado habang tumaas din ang positivity rate ng sakit sa National Capital Region (NCR).

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.


Base sa datos na ibinahagi sa kanyang Twitter account, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ng Aklan ay tumaas sa 26.9% noong Hulyo 9, mula sa 21% lamang noong Hulyo 2.

Ang positivity rate naman anila sa NCR ay tumalon din mula sa 8.3% lamang noong Hulyo 2, at naging 10.9% noong Hulyo 9.

Lampas na ito sa 5% lamang na benchmark na itinatakda ng World Health Organization (WHO).


Samantala, pasok na rin naman sa 5% benchmark ng WHO ang mga lalawigan ng Antique, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Capiz, Cavite, Cebu, Iloilo, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Rizal, at Tarlac.

Bukod naman sa Aklan at NCR, ang positivity rates na lampas na sa 10% ay ang Antique, Batangas, Capiz, Cavite, Iloilo, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, at Tarlac. (Jantzen Tan)


Tags: OCTA Research

You May Also Like