Kalaboso ang inabot ng isang 24-anyos aircon technician matapos na magsumbong sa kanyang ina ang isang 12-anyos na dalagita na niyaya nitong makipag-sex diumano, kapalit ang P3,000,kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakadetine sa Manila Police District-Police Station 3 ang suspek na si Nino Boco at taga #1357 Priscilla St. Sta Cruz, Maynila dahil sa kasong paglabag za RA 7610.
Ayon sa imbestigasyon, nagsumbong sa kanyang ina na si Krystyl Gonzales,taga Sta.Cruz,Maynila,ang biktimang si Kyla di tunay na.pangalan dahil sa ginawa ng suspek.
Nalaman na nasa kuwarto umano ang biktima nang pumasok ang suspek na sa parehas na compound rin nakatira at binulungan ang biktima ng “Gusto mo ng P3k”.
Hindi umano narinig ng biktima ang sinabi ng suspek na kasama kaya pinaulit niya kung ano ang sinabi ng suspek na inulit naman ng suspek at dinugtungan pa nito na may kondisyon ang ibibigay niyang P3k. at didilaan umano ang “pepe” ng dalagita at nagbukas pa ito ng sex video sa kanyang cellphone at ipinakita sa dalagita.
Nakaramdam ng panganib ang biktima.kaya lumabas ito ng.kuwarto at isinumbong sa ina ang alok ng suspek.
Kaagad rin na nagreklamo sa pulisya ang mag-ina dahilan para arestuhin ang suspek.