Dahil sa problema sa kalive-in, nasawi ang isang 26-anyos na ‘aircon cleaner ‘ matapos na magbigti sa loob ng comfort room ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Napag-alaman na bago ang ginawang pagbibigti, dakong alas-10:30 ng gabi ay nakipag- inuman pa muna umano ang biktima sa kanyang tatay sa loob ng kanilang bahay sa 897 San Antonio St , Tondo, Maynila.
Sa gitna ng inuman ay nagtataka umano ang tatay kung bakit tumayo at hindi na bumalik ang kanyang anak kaya hinanap niya ito sa kanilang bahay.
Nagulat umano ang tatay nang makita ang biktima na nakabigti gamit ang isang nylon cord.
Kaagad niyang kinalas ang tali at isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) subalit ito ay idineklarang patay alas-11:13 ng gabi.
Ayon sa kapatid ng biktima , problemado umano ito sa kanyang kinakasama na posibleng dahilan ng kanyang pagbibigti.
Dinala sa Sol Funeral ang bangkay para sa awtopsiya.