HUMINGI na ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kampo ni Vice President Leni Robredo para ma-imbestigahan ang kumalat na mga ‘URL links’ ng mga pekeng sex videos umano ni Aika Robredo.
Nabatid na gusto ng kampo ni Robredo na matukoy at papanagutin ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa internet ng malaswang mga video na layunin na sirain ang kanilang imahe.
Magugunita na kinondena ng kampo ng mga Robredo noong Abril 11, ang nagsulputang mga URLs na sinasabi ang laman nito ay sex video ni Aika, pero kapag bubuksan ay dadalhin ang user sa mga ‘adult site’ na mga dayuhan ang bida.
Nalaman na nahoadala ng liham ang mga abogado ni Robredo sa NBI-Cybercrime Division para suriin ang 60 URLs na naglabasan, tukuyin ang pinagmulan nito, kilalanin ang mga nasa likod at panagutin base sa batas.
Tiniyak naman ng kampo ni Roberto na sasampahan ng kaso ang nasa likod ng pekeng videos sa sandaling matukoy ito ng NBI. (Jaymel Manuel)














