Kasalukuyan umanong pinag-aaralan ng Supreme Court (SC) ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pagda-draft ng desisyon.
Ito ang napag-alaman kay Court Administrator Raul Villanueva sa Senate finance subcommittee hearing kaugnay sa P63.57 panukalang budget ng Judiciary para sa 2025.
“AI, insofar as providing us data for policy and decision making with respect to coming out with draft decisions, AI can also be utilized also with respect to that,” ayon kay Villanueva, matapos hingan ng karagdagang detalye kung papaano gamitin ang AI.
Tiniyak naman ni SC Associate Justice Mario Lopez sa Senado na hindi dedepende ang SC sa AI dahil dapat na mangibabaw umano ang pagiging makatao sa disposisyon ng mga kaso.