Latest News

AGUIRRE, NAPIPISIL NI DUTERTE PARA SA COMELEC

IKINUKUNSIDERA umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II bilang susunod na appointee sa be the Commission on Elections (Comelec).

Si Aguirre ay kasalukuyan commissioner ng National Police Commission (Napolcom) ay kaklase at fraternity brothers ni Duterte sa Lex Talionis sa San Beda College.

Nabatid na bukod kay Aguirre, napipisil rin umano sina retired Court of Appeals justices Romeo Barza, Danton Bueser, Francisco Acosta, at Presidential adviser on OFW affairs Abdullah Mama-o bilang mga kandidato sa Comelec post.


Nalaman na may tatlong bakante sa Comelec matapos na magretiro sina Comelec chair Sheriff Abas , commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. noong Pebrero 2.

Sina Abas at Kho ay ini appoint ni Duterte habang si Guanzon ay ini appoint ng namayapang Presidente Benigno Aquino III, habang ang apat pang nalalabi na nasa puwesto pa ay pawang appointee ni Duterte.

Nabatid ba si Aguirre,ang bumuo ng grupo para kumbinsihin si Duterte na tumakbong Presidente noonh 2016.

Napilitan magbitiw sa puwesto si Aguirre bilang Kalihim ng DOJ matapos madismaya si Duterte dahil sapagkala dismiss ng kasong drug laban kay Kerwin Espinosa at Cebu based businessman Peter Lim.


Muling nakabalik sa gobyerno si Aguirre noong Enero 2021.matapos italaga ni Duterte sa Napolcom.

Tags:

You May Also Like

Most Read