Latest News

Agricultural products at pork meat dala ng foreign passengers, kinumpiska ng BAI at PBI sa NAIA terminal 1

By: Jerry S. Tan

Muli na namang nakakumpiska ang Bureau of Plant industry BPI ng agricultural products dala ng isang pasahero mula Vietnam.

Ayon sa BPI aabot sa 46.5 kgs na ibat ibang prutas dala ng isang dayuhang pasahero sakay ng PAL flight PR-592 na lumapag sa NAIA terminal 1.


Kinabibilangan ito ng 21.5 kgs na mangosteen, 6 kgs na Mango at 20 kgs na Pomelo.

Samantala, nasa 4.5 kgs. na ‘processed pork meat’ naman ang kinumpiska ng Bureau of Animal industry dala naman ito ng dalawang dayuhang pasahero mula China sakay ng Xiamen air flight MF-817 na lumapag sa NAIA terminal 1.

Ang mga prutas at karne ay pawang mga walang kaukulang permit mula sa quarantine service kung saan mahigpit itong ipinagbabawal na makapasok sa bansa.


Ang mga naturang produkto ay magkakasunod na naharang ng Bureau of Customs examiners ng idaan ito sa x-ray machine sa NAIA terminal 1.


Tags: Bureau of Plant industry (BPI)

You May Also Like