Latest News

AGAM-AGAM SA KINAROROONAN NI PALPARAN, TINUGUNAN NG BUCOR

By: TONY GILDO

Upang maalis ang pagdududa ng mga pamilya ng complainant tungkol sa kinaroroonan ni Jovito Palparan, pinagbigyan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kahilingan ng mga nagrereklamo na makipagkita kay Palparan at i-verify na nananatili itong nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.


Sa report ni NBP Superintendent Gary Garcia kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., pinayagan ang mga complainant na sina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeño kasama ang kanilang mga abogado na makipagkita kay Palparan sa loob ng isang oras.

Paliwanag ni Garcia, sana noon pa nag-request ang mga pamilya kung nais nilang makita si Palparan para hindi na nagkaroon ng kalituhan dahil ‘transparent ‘naman ang ahensiya.

Nilinaw din ni Garcia na nakakulong na si Palparan sa Minimum Security Compound bago pa man umupo si Catapang bilang BuCor Director-General.


Binigyang-diin ni Catapang ang ‘transparency at willingness’ ng BuCor na tanggapin ang mga bisita at imbestigador, basta’t sumusunod sila sa mga itinakdang alituntunin at protocols.


Tags: Bureau of Corrections (BuCor)

You May Also Like