ISA ang award- winning actress na si Nadine Lustre na bida sa “Uninvited” with Vilma Santos and Aga Muhlach na produced ng Mentorque Productiions at Project 8.
Ang Uninvited ay official entry para sa 50th Manila Film Festival isa MMFF this December.
Si Nicole ang karakter ni Nadine sa pelikula.
Unlike sa iba niyang nagawang movie, iba raw para sa kanya ang movie.
“Nang sinabihan po nila ako to play the role of Nicole and then binabasa nila sa akin ang script, ang sabi ko po agad ay ipadala na sa akin.”
Sabagay sa teaser na pinakita ay ibang-iba nga ang karakter niya bilang si Nicole.
Maging ang word na lumalabas ss kanyang mouth ay punum-puno nang pagmumura na hindi naririnig sa kanya sa iba niyang ginawang pelikula.
“At saka sa casting namin Ate Vi at Mr. Aga Muhlach, aarte pa ba ako.”
First time na nakatrabaho ni Nadine ang dalawang icon actors ng movie industry.
Samantala, marami pa rin ang may gustong gumawa ng teleserye ang aktres.
Ang last TV series niyang ginawa ay 2017 pa na “Till I Met You.”
Aniya: “You know, people always ask me this. I always say na it’s different working on a TV series just because you need more time–– lots of time–– and a lot more attention to TV series. Sometimes, it doesn’t really last for like three months lang.”
Pero, hindi naman daw siya nagsasalita ng tapos.
Samantala, masaya si Aga Mulach nang malaman niyang makakasama si Nadine sa “Uninvited” dahil buong pag-aakala niya ay leading lady niya ito.
Nang malaman niyang hindi si ay laking panghihinayang daw niya.
“I thought leading lady ko siya ‘yun pala hindi kundi anak ko siya. Mag-ama pala kami dito.”
Bad person ang role ng actor.
Say ni Aga: “Masaya ako kahit masamang tao ako. Because maswerte ako dahil nakatrabaho ko ang Gen-Z great actress sa panahon ngayon.”
Speechless naman ang award-winning actress na muling nadagdagan ang kanyang trophy dahil siya ang Best Actress sa ginanap na 39th PMPC Star Award for Movies nitong nakaraang November 24 na ginanap sa Winford Hotel, Manila.