Latest News

AFTERSHOCKS KASUNOD NG MAGNITUDE 5.7 EARTHQUAKE

PINAALALAHANAN kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense ang mamamayan na posible makaramdam pa ng mga mahihinang paglindol o aftershocks matapos ang Magnitude 5.7 earthquake na yumanig sa ilang bahagi ng Luzon.

Base ito sa pagtataya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kasunod ng naganap na pa lindol bandang alas-5:05 kahapon ng umaga na naramdaman hanggang Metro Manila .

Natukoy ang epicenter sa layong 110 km sa hilagang kanluran ng Lubang Island Occidental Mindoro. May lalim itong 29 kilometro at tectonic ang pinagmulan .


Ang Pilipinas ay nasa geologically active Pacific Ring of Fire – isang interconnected circle of fault lines na under constant pressure from super-hot molten rock beneath.

Ang naitalang lakas ng pagyanig sa ilang lugar ay ang sumusunod:
Intensity III – Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Makati City
Intensity II – Talisay, Batangas.Instrumental Intensities:
Intensity III – Calumpit, Bulacan; Guagua, Pampanga; City of Olongapo; Carmona, and City of Tagaytay, Cavite; City of Calapan, Oriental Mindoro

Intensity II – City of Las Piñas; City of Marikina; City of Muntinlupa; Quezon City; City of Pasig; Baler, Aurora; City of Malolos, Marilao, Pandi, Plaridel, San Ildefonso, and San Rafael, Bulacan; City of Gapan, and City of Palayan, Nueva Ecija; Iba, Zambales; Batangas City, and Talisay, Batangas; Dolores at Gumaca, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro

Intensity I – City of Parañaque; Pateros; City of Dagupan; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; City of Cabanatuan, and San Jose City, Nueva Ecija; Magalang, Pampanga; City of Tarlac, Tarlac; Los Baños, Laguna; Infanta, Lucban, Mauban, Mulanay, and Polillo, Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; City of Puerto Princesa. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read