Latest News

Passport of Bennet, the African-American who assaulted NAIA terminal 3 security personnel.

AFRICAN-AMERICAN, DI NAGBAYAD SA TAXI, NANAPAK NG APD AT GUARDS SA NAIA, KULONG

By: Jerry S. Tan

Nakakulong ngayon sa Airport Police Department (APD) ang isang African-American national matapos umanong manuntok sa mga airport security na nakatalaga sa NAIA.

Ayon Kay Airport Police Chief Froilan Sanchez, naganap ang insidente Huwebes ng gabi, nang magpahatid ang banyaga sa NAIA Terminal 3 lulan ng isang taxi mula sa Makati City.

Pasado alas-6 ng gabi nang dumating sa departure area ang suspek.


Pagbaba nito sa taxi sa harap ng Gate 2 ay hinabol umano ito ng taxi driver dahil sa hindi pagbabayad. Nakita ito ng mga guwardiya hanggang sa nagpilit ito na pumasok sa terminal.

Walang maipakita na plane ticket ang suspek kaya’t hinarang ito, ngunit agad niyang sinapak ang airport police na nakilalang si APO1 John Carlo Carbonel bukod sa sinakal at sinuntok. Sinakal din umano nito ang iba pang mga white guard sa lugar.


Dito na pinagtulungan ng mga guwardiya at PNP aviation personnel and suspek para posasan.

Nahaharap sa kasong alarm and scandal, resistance and disobedience to a person in authority at physical injuries ang suspek.


Samantala, naiparating na umano sa US Embassy ang nasabing pangyayari.

Tags: Airport Police Department (APD)

You May Also Like

Most Read