TANGGAP ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippine ang pag amyenda sa kanilang mga termino particular sa hanay ng Major Service commanders matapos na pagtibayin ito ng kanilang commander in chief , ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
“The AFP welcomes President Ferdinand Marcos Jr’s approval of RA 11939 which provides the much-needed amendments to RA 11709,” anang AFP.
Sinabi pa ni Col Medel Aguilar, tagapagsalita ng AFP, na: “We believe that the changes will further strengthen professionalism in the military and ensure the continuity of programs while maintaining the AFP’s dynamic and progressive promotion system.”
Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11939 o ang Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the Armed Forces of the Philippines, na sumususog sa Republic Act No. 11709 na nilagdaan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na mag-aamyenda hinggil sa fixed term para sa mga pinuno ng major service command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Batay sa nilagdaang amendment ng Chief Executive na Republic Act 11939, mababawasan ang fixed term ng mga major service commander sa dalawang taon mula sa tatlong taon.
Ito ay ang Philippine Army Chief, Philippine Air Force Chief at Philippine Navy Chief gayundin ang Philippine Military Academy Superintendent.
Pero, mananatili sa 3-year fixed term ang tour of duty ng AFP Chief of Staff.
Nakapaloob din sa amendment ang pagpapalawig pa ng isang taon ng serbisyo ng mga may ranggong 2nd lieutenant o ensign hanggang lieutenant general o Vice Admiral.
Mula sa edad na 56, magiging edad 57 na ang retirement age ng mga nabanggit na ranggo.