SINUBUKAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pinagsama-samang arms firepower sa ginanap na ‘live fire exercise’ kahapon bilang bahagi ng AFP Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa (AJEX DAGITPA) sa Burgos, Ilocos Norte.
Sinaksihan mismo ni AFP chief of Staff, General Romeo Brawner, Jr ang nasabing live firing ng mga bagong sandata ng Hukbong Sandatahan na binili para sa Philippine Army at Philippine Marine Corps. Sinabayan ito ng artillery fire mula sa Philippine Air Force’s AW109 at A-29B Super Tucano aircraft.
Ang nasabing pagsasanay ay sumusubok at nagpapakita ng kapabilidad ng AFP Major Services na magsagawa ng joint territorial defense operations at itampok ang seamless integration ng iba’t- ibang military units and platforms.