Latest News

AFP SEEKS HELP FROM THE MEDIA; CPP-NPA SPOKESMAN ISANG DIGITAL PERSONALITY

By: Victor Baldemor Ruiz

Kinuwestiyon ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tunay na katauhan ng nagpapakilalang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Mar Valbuena na umano’y isang digital personality na nagpapakalat ng kanilang black propaganda gamit ang cyberspace , ayon sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Ito ay bunsod ng inilabas na balita ni Valbuena na kumukumpirma sa pagkasawi ng mag-asawang CPP-NPA leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon at walong iba pa sa kamay ng militar na pinahirapan muna matapos silang masabat ng mga sundalo sakay ng dalawang van noong August 21, 2022.


Sa isang statement ay tinawag ni AFP spokesperson Col Medel Aguilar na “fictitious person” ang Valbuena na isa lamang aniyang digital person na walang kasarian na nagtatago sa digital media para magpakalat ng mapanirang press release.

Samantala, sa isyu ng mag asawang Tiamzon, matagal na umanong ng pinagsususpetsahan AFP na patay na ang mga ito matapos na makasagupa nila ang military noong August 22, 2022 sa katubigang sakop ng Catbalogan City, Samar.

Ang mga alegasyon aniya na hinuli at tinorture ang mga ito ay bahagi lamang ng propaganda ng komunistang grupo sa kanilang pagtatangkang linlangin ang taumbayan.


Samantala, kung sakali naman aniya na totoo ang deklarasyon ng liderato ng CPP-NPA-NDF sa pagkamatay ng mag-asawang Tiamzon ay nangangahulugan lamang ito ng tagumpay sa operasyon sa panig ng pamahalaan laban sa mga puganteng ng batas.

Kasabay nito nanawagan ang Armed Forces of the Philippine sa hanay ng media na tulungan silang manawagan at humikayat sa mga nalalabing kasapi ng Communist Party of the Philippine at armadong galamay nitong New Peoples Army na samantalahin ang alok ng pamahalaan na pagbabagong buhay at mamuhay nang normal sa lipunan sa ilalim ng ‘Balik -Loob Program’ ng gobyerno


“I hope one day our media, with your objectiveness, fairness and patriotic heart, will also make that call for our lost brothers and sisters to return to the folds of law, and be with us in our journey for peace and progress. They will listen to you and you can save precious lives,” panawagan ni AFP Spokesperson Col Medel Aguilar sa media.


Tags: AFP spokesperson Col Medel Aguilar

You May Also Like