Makalipas ang mahigit dalawang taon, ngayon na lamang muling nakapagsagawa ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Coast Guard ng face-to-face annual interservice sporting event.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, layon ng aktibidad na mapanatili ang passion sa sports ng mga uniformed personnel sa kabila ng kanilang pagseserbisyo publiko.
Magsisilbi rin ang Olympics na ito para mahasa ang potential world class athletes na maaaring kumatawan sa bansa sa future international competitions.
Kabilang sa mga laro na maaaring salihan ng mga kalahok ay badminton, basketball, cycling, football, golf, karatedo, marathon, table tennis, lawn tennis, taekwondo, volleyball at chess.
Ang AFP-PNP-PCG Olympics ay magtatagal hanggang Oct. 21, 2022.
Sa pinakahuling datos, nasa 149 military athletes na ang sumabak sa iba’t ibang sports events na nagbigay ng karangalan sa bansa kung saan 39 ang mula sa Philippine Army, 66 mula sa Philippine Air Force, at 44 ang mula sa Philippine Navy.
Pinakakilala dito ay si Air Force Staff Sergeant Hidilyn Diaz na nag-uwi ng kauna-unahang Olympic gold medal sa bansa nitong 2020. (Victor Baldemor)