LIBONG marino mula Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular ang Philippine Marine Corps (PMC), ang mapapasabak sa United States Armed Forces 31st at 11th Marine Expeditionary Units, sa pinasimulang 6th iteration ng bilateral exercise, kasunod ng ginanap na opening ceremony sa Philippine Navy Officers Club.
Ang PMC-led capacity enhancement training na tinaguriang, “Kaagapay Ng Mga Mandirigma ng Dagat” (KAMANDAG), o “Cooperation of the Warriors of the Sea”, ay gaganapin sa ilang lugar sa Luzon.
Magsisilbi namang observers ang Japan Ground Self-Defense Force at Republic of Korea Marine Corps sa gaganaping bilateral exercises.
Ang “Kamandag,” na abbreviation ng “Kaagapay Ng Mga Mandirigma ng Dagat,” ay magsasagawa ng exercise sa ilang bahagi ng Luzon mula sa October 3 hanggang 14.
Sinabi naman ng PMC na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga military personnel mula sa Japan at South Korea ay lalahok sa exercises pero bilang observers lamang.
Pahayag pa ng PMC; layunin ng war exercises na mapatibay pa ang bilateral cooperation at interoperability sa mga participating forces sa pagsasagawa ng combined tactical operations na siyang sentro ng exercise para makita ang kapasidad ng Marine Amphibious Ready Unit at mapaganda ang capabilities sa Special Operations, Coastal Defense Capability, Humanitarian Assistance at Disaster Response (HADR) Operations at Chemical, Biological, Radiological at Nuclear Operations.
Looking forward naman daw ang Philippine Marine Corps sa pagsasagawa ng KAMANDAG Exercise kasama ang foreign military allies dahil sila ay mas advance kung pag-uusapan ang amphibious operations, special operations, HADR operations, and territorial defense capabilities.
Ayon kay PMC commandant MGen. Charlton Sean Gaerlan, sa pamamagitan daw ng naturang exercise, kailangan daw ay matutunan ang kanilang mga their techniques, tactics at procedures para ma-develop ang interoperability strategy sa Philippine Marine Corps lalo na’t mag-o-operate na ang Marine Corps Operating Concept for Archipelagic Coastal Defense.
Samantala aabot sa 5,500 US marine personnel naman ang ide-deploy daw para lumahok sa exercises kabilang na ang Okinawa, Japan-based 3rd Marine Division para sa exercise ng command at control.
Sinabi rin ng Marine Corps na hindi lamang pagtitibayin ang military ties sa pagitan ng US at Pilipinas kundi kasama na rin ang bansang Japan At South Korea. (JESSE KABEL)














