Latest News

AFP NASA FINISHING TOUCHES NA LAMANG PARA WAKASAN ANG CPP-NPA

TIWALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na patapos na ang panliligalig ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang armadong galamay base sa kanilang datos ay sa sunod sunod pagkagapi ng mga nalalabing communist terrorist group at tuloy tuloy na mga pagsuko ng kanilang mga kasamahan.

Sa ipinarating na ulat ni Major General Roberto S Capulong, Acting Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa AFP Headquarters nasusupil ng kasundaluhan ang mga planong paghahasik ng terorismo ng mga makakaliwang hanay sa pagkakadiskubre ng mga kanilang mga pinagtataguan at pag recover sa kanilang mga armas.


Ayon sa record na hawak ng JTFC may anim na (6) CTGs ang na- neyutralisa ng 6ID nitong mga nagdaang araw, may 86 na rebelde ang sumuko sa iba’t ibang unit na nasa ilalim ng Joint Task Force Central, kabilang ang maraming baril , , explosives, at iba’t ibang war materials ang nakumpiska ng mga sundalo.

“The confiscation of this arms and other war materials are tantamount to our peace and security in the area. Being one with the government toward its finishing touches to fully end insurgency in the country, I would like to assure the peoples that your soldiers from JTFC and 6ID are committed to serving the people and protecting the communities.”aang opisyal

Inihayag naman ni Col Medel Aguilar ang bagong taga pagsalita ng Sandatahang Lakas ; Patuloy at unti-unting humihina ang CPP/NPA/NDF. Tunaw na ang baseng masa na kanilang pinagtataguan. Patuloy ang kanilang paghina dahil salat na sila sa suportang pagkain at pagod na sila sa walang humpay na pagtugis sa kanila ng mga sundalo at kapulisan, kasama ang taong bayan, ani Col Aguilar.


“Huwag na nilang ipilit ang rebolusyon na siyang nagdulot ng malaking pinsala sa ating bayan. Mas nararapat na sabay-sabay na lang nating harapin ang mga suliraning panlipunan upang matulungan natin ang sambayanang Pilipino lalo na iyong mga nahihirapan sa buhay, ani Acting AFP spokesman Col. Medel Aguilar.

Nilinaw din ng tagapagsalita na ang naganap na bomb attack ng CPP-NPA sa Samar na ikinamatay ng isang sundalo at ikinasugat ng limang iba pa ay hindi pagpapakita na malakas pa sila. Inilantad lamang uman ng mga terorista na sadyang mahina na sila at hindi na kayang maglunsad ng opensibang taktikal kaya gumagamit sila ng landmine na ipinagbabawal ng International Humanitarian Law.


“yes, actually yung ginagawa nila reveals more of their weakness, ani Aguilar.That is what they want to project, strength, but what we see is their weakness. They resort to acts of terror with full disregard to IHL and everyone’s safety, including civilians. As we file appropriate cases against them, we will also intensify our security operations in coordination with all stakeholders, the civilian communities in particular, to avoid unnecessary loss and destruction of human lives, dagdag pa ni Col. Aguilar. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Armed Forces of the Philippine

You May Also Like