AFP, NAKIISA SA SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGGUNITA NG UNDAS

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagpahayag ng pakikiisa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr., sa buong sambayanan sa paggunita ng Undas.

Ayon kay Brawner, ang panahong ito ay panahon para magbigay-galang sa mga santo at gunitain ang naging buhay ng mga namayapang mahal sa buhay.


Pagkakataon din aniya ito para bigyang parangal ang legasiya, alaala at kabayanihan ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Dapat aniyang samantalahin ang oportunidad para buhayin ang commitment sa paglilingkod sa kapwa at pahalagahan ang buhay at kalayaan, habang kumukuha ng inspirasyon sa natatanging nagawa ng mga yumao na.


Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr.

You May Also Like