SINABI ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr na buong -buo ang kanilang suporta sa mga priority programs ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Ito ang naging pahayag ng Hukbong Sandatahan matapos samahan ni Brawner ang Pangulo sa pagbisita sa Tawi-Tawi, kung saan tiniyak ng Pangulo na ang prayoridad ng pamahalaan ay ang “inclusive governance” at “sustainable development” ng probinsya.
Bukod dito , nakipag-dayalogo din ang Pangulo kasama sina Brawner at iba pang mga opisyal ng AFP sa mga lokal na pinuno at kinatawan ng mga komunidad para maglatag ng mga solusyon sa mahahalagang isyu.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang pagbisita ni Marcos sa Tawi-Tawi ay patunay na suportado ng militar ang pagsusulong ng kapayapaan, nation- building, socio-economic progress at ang kapakanan ng mga mamamayan.














