AFP, NAGTALAGA NG BAGONG SOLCOM COMMANDER

By: Victor Baldemor Ruiz

SIMULA kahapon ay opisyal nang nanungkulan ang hinirang na bagong pinuno Armed Forces of the Philippine-Southern Luzon Command (SOLCOM) kasunod ng isinagawang turnover at change of command ceremony.

Pinangunahan mismo ni Army Commanding General Lt.Gen Roy Galido ang panunumpa at pagtatalaga kay Maj. Gen. Facundo O. Palafox IV, para pamunuan ang Southern Luzon Command (SOLCOM) .


Si MGen Palafox ay siyang dating Army Armor Division commander na pinapurihan sa pagsusulong ng advanced capabilities at training ng cavalry, mechanized at tank units na naging instrumento sa paglupig sa Communist Terrorist Groups (CTGs) at iba pang Local Terrorist Groups (LTGs) sa bansa. Si Palafox ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis-Lahi” Class of 1990.

“Para kay Maj. Gen. Palafox, hindi matatawaran ang katapangan at katapatan na inyong ipinakita sa paglilingkod sa ating mga kababayan. Ang pagprotekta ng kapayapaan at kaunlaran sa inyong mga nasasakupan ay dapat na kilalanin,” pagpuri ni Galido kay Palafox.

Para kay Brig. Gen. Pedro C. Balisi, Jr. na siyang humalili kay Palafox bilang bagong pinuno ng Armor “Pambato” Division, sinabi ni Galido na buo ang tiwala niya na pamunuan nito ang Armor Division nang naaayon sa ating adhikain at sa pambansang layunin na Bagong Pilipinas.


Nagpahayag din ng buong buong tiwala ang Armor “Pambato” Division, Philippine Army lay Brig. Gen. Pedro C. Balisi, Jr. bilang bago nilang pinuno sa ginanap na turnover ceremony sa Camp O’Donnell, Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Si Balisi ay nagsilbing Assistant Division Commander ng Armor Division; Brigade Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade (1MIBde); Chief of the Office of the Army Financial Management; Commander of the Joint Task Force Talakudong under 1MIBde at Assistant Chief of Staff for Operations of the Mechanized Infantry Division.


Kasapi siya ng Philippine Military Academy (PMA) “Tanglaw-Diwa” Class of 1992.


Tags: Armed Forces of the Philippine-Southern Luzon Command (SOLCOM)

You May Also Like