AFP NAGPALIWANAG SA MGA NAGLILIPARANG US FIGHTER PLANES

By: Victor Baldemor Ruiz

WALA umanong dapat na ikabahala ang sambayanan Filipino maging ang ibang bansa sa mga nakikitang United States fighter planes na nakikitang nagliliparan sa ibat ibang lugar sa bansa .

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na ang pagdami ng presensya ng mga eroplano ng Amerika sa Pilipinas ay may kaugnayan sa mga idinaraos na bilateral exercises ng dalawang bansa.


Una nang kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang namataang military planes ng US Air Force sa Maynila at Palawan.

Ayon kay PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang mga aircraft na ito ay bahagi ng Cope Thunder 2 exercise.

Paliwanag pa ni Castillo na lahat ng US aircraft ay mayroong diplomatic clearance mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Reaksyon ito ng opisyal sa naging pahayag ni Senator Imee Marcos na nagsusulong ng imbestigasyon sa umano’y unadvised landing ng isang US military aircraft sa Maynila noong June 26.

Ayon naman AFP Spokesman Col Medel Aguilar bilang isang senador at opisyal ng bayan karapatan ni Sen. Imee Marcos na personal na tumanggap ng direktang paliwanag mula sa hanay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.


Ang Cope Thunder ay isang joint exercise sa pagitan ng US Air Force at Philippine Air Force.

Layon nitong magsagawa ng air to air operations na magbibigay oportunidad sa 2 bansa na paghusayin pa ang kanilang kapasidad at kahandaan saka sakali mang magkaroon ng threat sa rehiyon.


Nabatid na maging ang Philippine Marine ay may ginagawang joint interoperability exercise sa tropa ng US forces na may mga sangkot na US war planes.

Tags: Armed Forces of the Philippines

You May Also Like