BILANG pagkilala at paggalang sa namatay na dating Pangulong Fidel Valdez Ramos ay inilagay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa half-mast ang lahat ng watawat sa mga kampo ng militar sa bansa.
Ito’y bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagawa ang AFP ng tradisyonal na military funeral service bilang pagpupugay sa dati nilang commander-in-chief.
“The Armed Forces of the Philippines flies the Philippine flag at half-staff in mourning of former President Fidel V Ramos during the flag-raising ceremony at Camp Aguinaldo in Quezon City on Monday, August 1, pahayag ni AFP Public Affair Office chief Col. Jorry Baclor.
Naglagay din ng black armbands ang lahat ng AFP officers, enlisted personnel, at civilian human resources bling pakikiramay sa pagyao ng dating Commander-in-Chief.
Una rito nagsagawa rin ng 8 gun salute ang AFP na nagsimula ganap na alas 5:00 ng umaga kahapon at sinusundan ng one gun salute kada kalahating oras na nagwakas ng 5 pm kahapon.
“President Fidel Valdez Ramos left a legacy of leadership, excellence, and sterling public service to the entire Filipino nation. He shall always be remembered with high respect and admiration from his former colleagues, subordinates, and peers,” ayon sa pahayag ng AFP.
Kinikilala nila ang mga nagawa ni Ramos sa bansa kasama na ang pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng paggawa ng kasunduan sa Moro National Liberation Front.
Nabatid na bago naging pangulo noong 1992 hanggang 1998, si Ramos ay naging pinuno ng Philippine Constabulary mula 1972 hanggang 1986, chief of staff ng AFP 1986 hanggang 1988 at secretary ng Department of National Defense mula 1988 hanggang 1991. (VICTOR BALDEMOR)














